Font Size
Roma 11:7-10
Magandang Balita Biblia
Roma 11:7-10
Magandang Balita Biblia
7 Ano ngayon? Hindi nakamtan ng bansang Israel ang kanyang minimithi. Ang mga hinirang lamang ang nagkamit nito ngunit matigas ang ulo ng iba. 8 Tulad(A) ng nasusulat:
“Binigyan sila ng Diyos ng mapurol na diwa,
mga matang hindi makakita
at mga taingang hindi makarinig,
hanggang sa panahong ito.”
9 At(B) sinabi rin ni David,
“Maging bitag at patibong nawa ang kanilang pagpipista,
isang katitisuran at parusa sa kanila.
10 Lumabo nawa ang kanilang mata nang hindi sila makakita,
at sila'y makuba sa hirap habang buhay.”
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.