Add parallel Print Page Options

10 Lagi kong hinihiling sa pananalangin, na sa anumang paraan sa isang pagkakataon, ay magkaroon ako ng matagumpay na pagla­lakbay sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, na makapunta ako sa inyo.

11 Ito ay sapagkat nananabik akong makita kayo upang mabahaginan ko kayo ng ilang espirituwal na kaloob na siyang magpapatatag sa inyo. 12 Ito ay upang kayo at ako ay maaliw sa pamamagitan ng pananampalataya na nasa isa’t isa, na kapwa nasa inyo at nasaakin.

Read full chapter