Add parallel Print Page Options

13 Nais (A) kong malaman ninyo, mga kapatid, na ilang ulit ko nang binalak na pumunta diyan sa inyo, ngunit laging may humahadlang. Nais kong magkaroon din ako ng bunga mula sa inyo, kung paanong nagkaroon ako ng bunga sa ibang mga Hentil. 14 May pananagutan ako sa mga Griyego at sa mga hindi Griyego, sa marurunong at gayundin sa mga mangmang. 15 Ito ang dahilan kaya masidhi ang aking pananabik na maipahayag ko rin ang ebanghelyo sa inyong mga nasa Roma.

Read full chapter