Add parallel Print Page Options

17 Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao,[a] at itoʼy sa pamamagitan lang ng pananampalataya. Ayon nga sa Kasulatan, “Sa pananampalataya mabubuhay ang matuwid.”[b]

Ang Galit ng Dios sa Lahat ng Kasamaan

18 Ipinapahayag ng Dios mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na siyang pumipigil sa kanila para malaman ang katotohanan tungkol sa Dios. 19 Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Dios ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:17 itinuturing ng Dios na matuwid: o, pinapawalang-sala ng Dios.
  2. 1:17 Hab. 2:4.