Add parallel Print Page Options

17 Ito ay sapagkat sa ebanghelyo, ang katuwiran ng Diyos ay nahayag mula sa pananampalataya patungo sa pananam­palataya. Ayon sa nasulat:

Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ang Poot ng Diyos Laban sa Sangkatauhan

18 Ngayon, nahayag mula sa langit ang galit ng Diyos laban sa lahat ng kawalang pagkilala sa Diyos at hindi pagiging matuwid ng mga tao. Kanilang pinipigil ang katotohanan sa pamamagitan ng kanilang hindi pagiging matuwid.

19 Ito ay sapagkat ang maaari nilang malaman patungkol sa Diyos ay maliwanag na sa kanila, dahil inihayag na ito ng Diyos sa kanila.

Read full chapter