Font Size
Roma 10:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 10:17-19
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
17 Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang naririnig ay sa pamamagitan ng pangangaral ng salita ni Cristo.[a] 18 Ngunit (A) sinasabi ko, hindi ba't narinig nila? Talagang narinig nila, ayon sa nasusulat,
“Umabot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
lumaganap ang kanilang mga salita hanggang sa dulo ng daigdig.”
19 Ngunit (B) ang tanong ko, hindi ba nauunawaan ng Israel? Una, sinasabi sa pamamagitan ni Moises,
“Pagseselosin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi naman bansa,
gagalitin ko kayo sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa.”
Footnotes
- Roma 10:17 Sa ibang mga kasulatan ay ng Diyos.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.