Add parallel Print Page Options

11 Sinasabi ko nga, Nangatisod kaya sila upang mangahulog? Huwag nawang mangyari: datapuwa't sa pagkahulog nila'y (A)dumating ang pagkaligtas sa mga Gentil, (B)upang ipamungkahi sila sa paninibugho.

12 Ngayon kung ang pagkahulog nga nila ay siyang kayamanan ng sanglibutan, at ang pagkalugi nila ay siyang kayamanan ng mga Gentil; gaano pa ang kapunuan nila?

13 Datapuwa't nagsasalita ako sa inyong mga Gentil. Palibasa'y (C)ako nga'y apostol ng mga Gentil, ay niluluwalhati ko ang aking ministerio;

Read full chapter