Add parallel Print Page Options

Ito ang mga utos: Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnana­kaw, huwag kang mag-bigay ng maling patotoo, huwag kang mag-iimbot. At kung may iba pang utos, ito ay nakapaloob sa salitang ito:

Ibigin mo ang iyong kapwa tulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

10 Ang pag-ibig sa kapwa ay hindi gumagawa ng masama sa kapwa, kaya nga, ang pag-ibig ay katuparan ng kautusan.

11 Yamang alam natin ang panahon, ngayon na ang takdang oras na dapat na tayong gumising mula sa pagkakatulog sapagkat ang ating kaligtasan ay higit nang malapit kaysa noong tayo ay sumampalataya.

Read full chapter