Add parallel Print Page Options

Siya na kumakain ay huwag maliitin ang isang hindi kumakain. Siya na hindi kumakain ay huwag humatol sa kaniya na kumakain sapagkat ang Diyos angtumanggap sa kaniya. Sino ka upang hatulan mo ang katulong ng iba? Ang katulong na iyon ay tatayo o babagsak na subok sa harapan ng kaniyang sariling panginoon sapagkat magagawa ng Diyos na siya ay patayuin at siya ay makakatayo.

Isang tao ang kumikilalang ang isang araw ay higit na mahalaga kaysa sa ibang araw. Ang ibang tao naman ay kumikilalang ang bawat araw ay magkakatulad. Ang bawat isa ay magkaroon ng tiyak na kaisipan sa kaniyang sarili patungkol sa bagay na ito.

Read full chapter