Roma 14:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Isang tao ang kumikilalang ang isang araw ay higit na mahalaga kaysa sa ibang araw. Ang ibang tao naman ay kumikilalang ang bawat araw ay magkakatulad. Ang bawat isa ay magkaroon ng tiyak na kaisipan sa kaniyang sarili patungkol sa bagay na ito. 6 Ang taong nagpapahalaga sa isang araw ay nagpapahalaga noon sa Panginoon. Ang hindi nagpapahalaga sa isang araw ay hindi nagpapahalaga noon sa Panginoon. Siya na kumakain ay kumakain para sa Panginoon sapagkat nagpapasalamat siya sa Diyos. Siya na hindi kumakain ay hindi kumakain para sa Panginoon at nagpapasalamat siya sa Diyos. 7 Ito ay sapagkat walang sinuman sa atin ang nabubuhay para sa kaniyang sarili lamang at walang sinumang tao na namamatay para sa kaniyang sarili lamang.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International