Add parallel Print Page Options

16 (A)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (B)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.

17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.

18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (C)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (D)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,

Read full chapter