Add parallel Print Page Options

23 Subalit ngayong wala nang lugar na maaari kong puntahan para sa gawain sa mga lupaing ito, at dahil maraming taon ko na ring nais na madalaw kayo, 24 inaasahan kong magkikita tayo pagdaan ko riyan patungong Espanya. Inaasahan ko ring matutulungan ninyo ako sa aking paglalakbay patungo roon, matapos tayong magkasama-sama nang kaunting panahon. 25 Samantala, papunta (A) ako ngayon sa Jerusalem, na may dalang tulong sa mga kapatid[a] doon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 15:25 Sa Griyego, banal.