Add parallel Print Page Options

Itinaya nila ang kanilang buhay alang-alang sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, at hindi lang ako kundi pati na rin ang lahat ng iglesyang hindi Judio. Ikumusta rin ninyo ako sa mga mananampalatayang[a] nagtitipon sa kanilang tahanan.

Ipaabot din ninyo ang pangangamusta ko sa minamahal kong kaibigan na si Epenetus. Siya ang unang sumampalataya kay Cristo Jesus sa probinsya ng Asia. Ikumusta nʼyo rin ako kay Maria, na nagsikap nang husto para sa inyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16:5 mga mananampalataya: sa literal, iglesya.