Add parallel Print Page Options

14 (Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan sa kanilang sarili;

15 Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang (A)kanilang mga pagiisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa);

16 Sa araw na (B)hahatulan ng Dios ang mga lihim ng mga tao, (C)ayon sa aking evangelio, (D)sa pamamagitan ni Jesucristo.

Read full chapter