Add parallel Print Page Options

15 Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang mga puso ang mga itinatakda ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, na sa kanila'y manunumbat at magtatanggol. 16 Magaganap ito sa araw ng paghatol ng Diyos sa lihim ng mga tao sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Ito'y naaayon sa ebanghelyong aking ipinapangaral.

Ang mga Judio at ang Kautusan

17 Ngayon, kung sinasabi mong ikaw ay isang Judio at nananalig sa Kautusan, at ipinagmamalaki mo ang kaugnayan mo sa Diyos,

Read full chapter