Add parallel Print Page Options

Nalalaman nating batay sa katotohanan ang hatol ng Diyos sa mga taong gumagawa ng gayon. Kaya ikaw, tao, akala mo ba'y makatatakas ka sa hatol ng Diyos kung humahatol ka sa iba ngunit gumagawa ka rin ng masasamang gawaing hinahatulan mo? O baka naman sinasamantala mo ang yaman ng kabutihan, pagtitiis at pagtitiyaga ng Diyos? Hindi mo ba naunawaan na ang kabutihan ng Diyos ang nag-aakay sa iyo tungo sa pagsisisi?

Read full chapter