Add parallel Print Page Options

Ngunit dahil matigas ang iyong ulo at ang puso mo'y ayaw magsisi, lalo mong pinabibigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw ng poot ng Diyos, kung kailan ihahayag niya ang kanyang makatarungang paghatol. Igagawad (A) niya sa mga tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa. Ipagkakaloob naman ng Diyos ang buhay na walang hanggan sa mga taong nagtitiyaga sa paggawa ng mabuti, naghahanap ng karangalan, kadakilaan at ng kawalang kamatayan.

Read full chapter