Add parallel Print Page Options

Napakarami! Una sa lahat, sa mga Judio ipinagkatiwala ang mga aral ng Diyos. Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig bang sabihin noo'y hindi na rin tapat ang Diyos? Huwag nawang mangyari! (A) Mananatiling tapat ang Diyos, maging sinungaling man ang lahat ng tao. Gaya ng nasusulat:

“Sa Iyong mga salita'y kikilalanin kang matuwid,
    kapag hinatulan ka, ika'y mananaig.”

Read full chapter