Roma 3:25-27
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao. 26 Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Jesus.[a]
27 May lugar ba ngayon ang pagmamalaki? Wala! Sa anong batayan? Sa pagsunod ba sa Kautusan? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.
Read full chapterFootnotes
- Roma 3:26 o pananampalataya ni Jesus.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.