Font Size
Roma 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Roma 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
4 Hinding-hindi!(A) Ang Diyos ay tapat at totoo kahit na sinungaling pa ang lahat ng tao. Ayon nga sa nasusulat,
“Kapag ikaw ay nagsalita, mapapatunayan kang matuwid
at kung ikaw ay hahatulan, ikaw ay mananaig.”
5 Ngunit kung ang kasamaan natin ay nagpapakilala ng katarungan ng Diyos, masasabi ba nating hindi siya makatarungan dahil tayo'y pinaparusahan niya? (Ganyan ang pangangatuwiran ng tao.) 6 Hinding-hindi! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan?
Read full chapter