Font Size
Roma 4:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Roma 4:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Halimbawa ni Abraham
4 Tungkol kay Abraham na ating ninuno, ano naman ang masasabi natin? Ano ang kanyang karanasan tungkol sa bagay na ito? 2 Kung itinuring siya ng Diyos na matuwid dahil sa mga nagawa niya, may maipagmamalaki sana siya. Ngunit wala siyang maipagmalaki sa paningin ng Diyos. 3 Ano(A) ang sinasabi ng kasulatan? “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos at dahil dito, siya ay itinuring ng Diyos na matuwid.”
Read full chapter