Add parallel Print Page Options

Ang sinabi niya,

    “Mapalad ang taong pinatawad at kinalimutan na ng Dios ang kanyang kasalanan.
Mapalad ang tao kapag hindi na ibibilang ng Panginoon laban sa kanya ang kanyang mga kasalanan.”[a]

Ang mga sinabing ito ni Haring David ay hindi lang para sa mga Judio, kundi pati na rin sa mga hindi Judio. Alam natin ito dahil binanggit na namin na, “itinuring ng Dios na matuwid si Abraham dahil sa kanyang pananampalataya.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:8 Salmo 32:1-2.