Add parallel Print Page Options

At nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis. Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao.[a] At kung mabuti ang ating pagkatao,[b] may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:4 nagpapabuti sa ating pagkatao: o, nagbibigay-lugod sa Dios.
  2. 5:4 kung mabuti ang ating pagkatao: o, kung nalulugod ang Dios sa atin.