Add parallel Print Page Options

Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao.[a] At kung mabuti ang ating pagkatao,[b] may pag-asa tayo na makakabahagi tayo sa kadakilaan ng Dios. At hindi tayo mabibigo sa ating pag-asa dahil ipinadama ng Dios sa atin ang kanyang pagmamahal sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na ibinigay niya sa atin.

Nang wala tayong kakayahang makaligtas sa kaparusahan, namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan sa panahong itinakda ng Dios.

Read full chapter

Footnotes

  1. 5:4 nagpapabuti sa ating pagkatao: o, nagbibigay-lugod sa Dios.
  2. 5:4 kung mabuti ang ating pagkatao: o, kung nalulugod ang Dios sa atin.