Add parallel Print Page Options

Ngunit ngayon, tayo ay patay na sa dating gumagapos sa atin. Tayo nga ay pinalaya sa kautusan upang tayo ay maglingkod sa pagbabago saespiritu at hindi sa lumang titik ng kautusan.

Pakikipagtunggali sa Kasalanan

Ano ngayon ang sasabihin natin? Kasalanan ba ang kautusan? Huwag nawang mangyari. Hindi ko nalaman ang kasalanan kundi dahil sa kautusan. Hindi ko rin nakilala ang masamang pagnanasa kundi sinabi ng kautusan: Huwag kang mag-iimbot.

Ngunit ang kasalanan ay nagbunga sa akin ng maraming uri ng pag-iimbot nang kunin ng kasalanan ang pagkakataong inalok ng mga utos. Ito ay sapagkat ang kasalanan ay patay kung wala ang kautusan.

Read full chapter