Add parallel Print Page Options

Pumipili ang Diyos Ayon sa Kaniyang Kaluguran

Sinasabi ko ang katotohanan na kay Cristo. Hindi ako nagsisinungaling. Kasama kong nagpapatotoo ang aking budhi na nasa Banal na Espiritu.

Ito ang nagpapatotoo naako ay may malaking kalungkutan at walang tigil na pagdadalamhati sa aking puso. Ito ay sapagkat hinangad ko pa na ako ay sumpain at ihiwalay mula kay Cristo alang-alang sa aking mga kapatid, sa aking mga kamag-anak ayon sa laman.

Read full chapter