Add parallel Print Page Options

Ito ang nagpapatotoo naako ay may malaking kalungkutan at walang tigil na pagdadalamhati sa aking puso. Ito ay sapagkat hinangad ko pa na ako ay sumpain at ihiwalay mula kay Cristo alang-alang sa aking mga kapatid, sa aking mga kamag-anak ayon sa laman. Sila ay ang mga taga-Israel. Sa kanila ang pag-ampon, ang kaluwalhatian at mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan. Sa kanila rin ang paglilingkod at mga pangako.

Read full chapter