Font Size
Roma 9:27-29
Ang Biblia, 2001
Roma 9:27-29
Ang Biblia, 2001
27 At(A) si Isaias ay sumisigaw tungkol sa Israel, “Bagaman ang bilang ng mga anak ng Israel ay maging tulad ng buhangin sa dagat, ang nalalabi lamang ang maliligtas:
28 sapagkat mabilis at tiyak na isasagawa ng Panginoon ang kanyang salita sa lupa.”
29 At(B) gaya ng sinabi nang una ni Isaias,
“Kung hindi nag-iwan sa atin ng isang binhi ang Panginoon ng mga hukbo,
tayo'y naging katulad sana ng Sodoma,
at naging gaya ng Gomorra.”