Add parallel Print Page Options

Nakilala ni Ruth si Boaz

1-3 Isang araw, sinabi ni Ruth kay Naomi, “Gusto ko po sanang pumunta sa bukid at mamulot[a] ng mga nalaglag na uhay mula sa mga tagapag-ani sa bukid ng taong magpapahintulot sa akin.” Sumagot si Naomi, “O sige anak.” Kaya umalis si Ruth at namulot ng mga nalaglag mula sa mga tagapag-ani. Nagkataon na doon siya namulot sa bukid ni Boaz na kamag-anak ni Elimelec. Si Boaz ay mayaman at makapangyarihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:1-3 mamulot: Kaugalian ng mga Israelita ang mag-iwan ng mga uhay para pulutin ng mga mahihirap, biyuda, o dayuhan. (Tingnan ang Lev. 19:9-10; 23:22; Deu. 24:19-22.)