Font Size
Ruth 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ruth 2:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Ruth sa Bukid ni Boaz
2 1-3 Isang(A) araw, sinabi ni Ruth kay Naomi, “Pupunta po ako sa bukid at mamumulot ng mga uhay na naiiwan ng mga gumagapas. Doon ako sa may likuran ng sinumang papayag.”
Sumagot si Naomi, “Ikaw ang bahala, anak.” Kaya't si Ruth ay nagpunta sa bukid at namulot ng mga uhay, kasunod ng mga gumagapas. Nagkataong ang napuntahan niya ay ang bukid ni Boaz, isang kamag-anak ni Elimelec na napakayaman at iginagalang sa kanilang bayan.
Read full chapter