Add parallel Print Page Options

14 Nang oras na para kumain, sinabi ni Boaz kay Ruth, “Halika, kumuha ka ng pagkain at isawsaw mo sa suka.” Kaya naupo si Ruth kasama ng mga tagapag-ani, at inabutan siya ni Boaz ng binusa na trigo. Kumain siya hanggang sa nabusog, at may natira pa siya. 15 Nang tumayo na si Ruth para mamulot ulit ng mga nalaglag na uhay, nag-utos si Boaz sa mga tauhan niya, “Huwag ninyong hihiyain si Ruth kahit mamulot pa siya malapit sa mga binigkis na uhay.[a] 16 Kumuha kayo ng mga uhay sa mga binigkis at iwan para sa kanya, at huwag nʼyo siyang sasawayin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 2:15 Huwag ninyong hihiyain … binigkis na uhay: Pagkatapos kunin ang mga binigkis na mga uhay, pwede nang pulutin ang natirang mga uhay. Pero pinayagan ni Boaz si Ruth na mamulot kahit hindi pa nakuha ang mga binigkis na mga uhay.