Add parallel Print Page Options

Kapag matutulog na siya, tingnan mo kung saan siya hihiga. At kapag tulog na siya, puntahan mo at iangat ang kumot sa paanan niya, at doon ka mahiga.[a] At sasabihin niya sa iyo kung ano ang gagawin mo.” Sumagot si Ruth, “Gagawin ko po ang lahat ng sinabi ninyo.” Kaya pumunta siya sa giikan para gawin ang lahat ng sinabi sa kanya ng biyenan niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:4 iangat … mahiga: Maaaring pagpapakita na humihingi siya ng proteksyon kay Boaz.