Font Size
Ruth 3:7-9
Ang Biblia, 2001
Ruth 3:7-9
Ang Biblia, 2001
7 Nang si Boaz ay makakain at makainom, at ang kanyang puso'y masaya na, siya'y pumunta upang humiga sa dulo ng bunton ng trigo. Pagkatapos, si Ruth[a] ay dahan-dahang dumating, inalisan ng takip ang kanyang mga paa, at siya'y nahiga.
8 At nangyari sa hatinggabi, na ang lalaki ay nagulat at bumaling. Nakita niya na may isang babaing nakahiga sa kanyang paanan!
9 Sinabi niya, “Sino ka?” At siya'y sumagot, “Ako si Ruth, na iyong lingkod. Iladlad mo ang iyong balabal sa iyong lingkod sapagkat ikaw ay malapit na kamag-anak.”
Read full chapterFootnotes
- Ruth 3:7 Sa Hebreo ay siya .