Ruth 4:3-5
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
3 sinabi ni Boaz sa kamag-anak niya, “Bumalik na si Naomi mula sa Moab, at gusto niyang ipagbili ang lupa ng kamag-anak nating si Elimelec. 4 Naisip kong ipaalam ito sa iyo. Kaya kung gusto mo, bilhin mo ito sa harapan ng mga tagapamahala ng mga kababayan ko at ng iba pang mga nakaupo rito. Pero kung ayaw mo, sabihin mo at nang malaman ko. Kung tutuusin, ikaw ang may tungkuling tumubos nito, at pangalawa lang ako.” Sumagot ang lalaki, “Sige, tutubusin ko.” 5 Pero sinabi ni Boaz, “Sa araw na tubusin mo ang lupa kay Naomi, kailangang pakasalan mo si Ruth, ang Moabitang biyuda,[a] para kapag nagkaanak kayo, mananatili ang lupa sa pamilya ng kamag-anak nating namatay.”[b]
Read full chapterFootnotes
- 4:5 Sa araw … biyuda: Ganito ito sa ibang teksto, pero sa Hebreo, Sa araw na bibilhin mo ang lupa kay Naomi at kay Ruth na Moabita, kinakailangang kunin (sa literal, bilhin) mo bilang asawa ang biyuda.
- 4:5 Kapag nagkaanak ang lalaki kay Ruth, ang anak niya ay ituturing na anak ni Mahlon, ang unang asawa ni Ruth na namatay. Si Ruth at ang anak niya ang magmamay-ari ng lupa at hindi ang taong nagpakasal sa kanya. Sa ganitong paraan mananatili ang lupa sa pamilya ni Mahlon.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®