Add parallel Print Page Options

Akoʼy makasalanan at masama mula pa noong akoʼy isinilang,
    kahit noong ipinaglilihi pa lang ako.
Ang nais nʼyo ay isang pusong tapat,
    kung kayaʼt ipagkaloob nʼyo sa aking kaloob-looban ang karunungan.
Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan
    upang lubusang luminis ang pusoʼt kaluluwa ko.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 51:7 Linisin … kaluluwa ko: sa literal, Linisin mo ako ng isopo at magiging dalisay ako; hugasan mo ako at magiging kasimputi ako ng nyebe.