Add parallel Print Page Options

O Dios, makapangyarihan kayo at higit na dakila habang bumababa kayo sa bundok na kung saan pinatay nʼyo ang inyong mga kaaway.[a]
Binawi nʼyo sa matatapang na sundalo ang kanilang mga sinamsam.
Silang lahat ay namatay na;
    wala nang makakapagbuhat pa ng kamay sa amin.
O Dios ni Jacob, sa inyong sigaw,[b] ang mga kawal[c] at ang kanilang mga kabayo ay namatay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 76:4 habang … kaaway: Sa Septuagint, sa matatandang bundok.
  2. 76:6 sigaw: o, saway.
  3. 76:6 kawal: sa literal, mangangabayo.