Add parallel Print Page Options

Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng kasaysayan.[a]
    Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim na katotohanan ng nakaraan.
Napakinggan na natin ito at nalaman.
    Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.
Huwag natin itong ilihim sa ating mga anak;
    sabihin din natin ito sa mga susunod na salinlahi.
    Sabihin natin sa kanila ang kapangyarihan ng Panginoon at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. 78:2 kasaysayan: o, mga talinghaga, o paghahalintulad, o kawikaan.