Add parallel Print Page Options

24 at pagkatapos makita ang kanyang sarili ay umaalis at kaagad nalilimutan ang kanyang anyo. 25 Subalit ang taong masusing tumitingin at nagpapatuloy sa sakdal na kautusang nagpapalaya sa tao, siya ang pagpapalain ng Diyos sa kanyang mga gawain, kung siya'y tagatupad at hindi lamang tagapakinig na lumilimot ng kanyang narinig. 26 Kung iniisip ninuman na siya'y relihiyoso ngunit hindi marunong magpigil ng kanyang dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili at ang kanyang relihiyon ay walang kabuluhan.

Read full chapter