Add parallel Print Page Options

Ngunit hayaan ninyong ang pagtitiis ay magkaroon ng kaniyang ganap na gawa upang kayo ay maging ganap at buo. Sa gayon, kayo ay maging ganap at lubos na walang anumang kakulangan. Kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at iyon ay ibibigay sa kaniya. Ang Diyos ay nagbibigay nang masagana sa lahat at hindi nagagalit. Ngunit kapag siya ay humingi, humingi siyang may pananampalataya at walang pag-aalin­langan sapagkat ang taong nag-aalinlangan ay katulad ng isang alon sa dagat na tinatangay at ipinapadpad ng hangin.

Read full chapter