Add parallel Print Page Options

Pananampalataya at mga Gawa

14 Mga kapatid ko, kung sabihin ng isang tao na siya ay may pananampalataya subalit wala siyang mga gawa, ano ang pakinabang noon? Maililigtas ba siya ng pananampalataya?

15 Maaaring ang isang kapatid na lalaki o babae ay walang damit o kinukulang sa pang-araw-araw na pagkain. 16 At ang isa sa inyo ay nagsabi sa kanila: Humayo kayo nang mapayapa. Magpainit kayo at magpakabusog. Ngunit hindi mo naman ibinigay sa kanila ang mga kailangan ng katawan, ano ang kapakinabangan noon?

Read full chapter