Add parallel Print Page Options

12 Mga kapatid ko, makakapagbunga ba ng olivo ang puno ng igos? O ang puno ba ng ubas ay makakapagbunga ng igos? Gayundin, ang bukal ay hindi makakapaglabas ng maalat at matamis na tubig.

Dalawang Uri ng Karunungan

13 Sino sa inyo ang matalino at nakakaunawa? Hayaang ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kaniyang mga gawa na may mapagpakumbabang karunungan.

14 Maaaring magkaroon ng mapait na pag-iinggitan at makasariling pagnanasa sa inyong mga puso. Kung mayroon man, huwag kayong magmapuri at magsinungaling laban sa katotohanan.

Read full chapter