Font Size
Santiago 3:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Santiago 3:3-5
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Kapag nilagyan ng renda[a] ang bibig ng kabayo, ito'y napasusunod natin at napababaling saanman natin ibigin. 4 Tingnan ninyo ang mga barko, bagama't malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ito'y naibabaling sa pamamagitan ng napakaliit na timon saanman ibigin ng piloto. 5 Ganyan din ang dila ng tao; napakaliit na bahagi ng katawan ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lang ninyo na “gaano kalaking mga gubat ang napaglalagablab ng isang maliit na apoy!”
Read full chapterFootnotes
- Santiago 3:3 pakagat: Isang bakal na inilalagay sa bibig ng kabayo na karugtong ng renda.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.