Add parallel Print Page Options

Tingnan din ninyo ang mga barko. Ang mga ito ay malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin. Gayunman, bagamat malalaki, ang mga ito ay inililiko ng napakaliit na timon saan man naisin ng taga-timon. Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. Narito, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malalaking kahoy. Ang dila ay tulad ng apoy, sanlibutan ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na dumudungis sa kabuuan nito. Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung paano tayo nabubuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.

Read full chapter