Font Size
Santiago 3:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Santiago 3:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Ganyan din ang dila ng tao; napakaliit na bahagi ng katawan ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin na lang ninyo na “gaano kalaking mga gubat ang napaglalagablab ng isang maliit na apoy!” 6 Ang dila'y parang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kasama ng ibang bahagi ng ating katawan. Pinarurumi nito ang ating buong pagkatao at tinutupok ang landas na tinatahak ng tao sa pamamagitan ng apoy mula sa impiyerno. 7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad o gumagapang, at ng mga nilalang sa dagat ay napaaamo at napaamo na ng tao.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.