Font Size
Santiago 3:5-7
Ang Salita ng Diyos
Santiago 3:5-7
Ang Salita ng Diyos
5 Gayundin naman ang dila. Ito ay isang maliit na bahagi ng katawan ngunit nagyayabang ng mga dakilang bagay. Narito, ang maliit na apoy ay nagpapaliyab ng malalaking kahoy. 6 Ang dila ay tulad ng apoy, sanlibutan ng kalikuan. Ang dila ay bahagi ng ating katawan na dumudungis sa kabuuan nito. Sinusunog nito ang mga pamamaraan kung paano tayo nabubuhay at ito ay pinag-aapoy ng impiyerno.
7 Ito ay sapagkat napaamo na ang lahat ng uri ng mga hayop at mga ibon at mga gumagapang na hayop at mga bagay sa dagat. At ito ay paaamuin ng tao.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International