Add parallel Print Page Options

Babala Laban sa Mapang-aping Mayayaman

Makinig kayo rito, kayong mayayaman! Tumangis kayo at humagulgol dahil sa mga kapighatiang darating sa inyo. Bulok (A) na ang inyong mga kayamanan at kinain na ng mga kulisap ang inyong mga damit. Kinakalawang na ang inyong ginto at pilak, at ang kanilang kalawang ang magiging katibayan laban sa inyo at parang apoy ito na tutupok sa inyong laman. Nag-imbak kayo ng kayamanan para sa mga huling araw.

Read full chapter