Add parallel Print Page Options

Kayo'y nangabuhay ng tamasa sa ibabaw ng lupa, at nangagalak; inyong pinataba ang inyong mga puso sa (A)araw ng patayan.

(B)Inyong hinatulan, (C)inyong pinatay ang matuwid; hindi niya kayo nilalabanan.

Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa (D)pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang (E)maaga at huli.

Read full chapter