Add parallel Print Page Options

Masagana niyang ibinuhos ang Banal na Espiritu sa atin, sa pamamagitan ni Jesucristo na ating Tagapagligtas. Ginawa niya ito upang sa pagpapaging-matuwid sa atin, sa pamamagitan ng biyaya at ayon sa pag-asa, tayo ay maging tagapagmana ng buhay na walang hanggan. Ito ay mapagkakatiwalaang salita. Ibig kong palagi mong bigyan ng diin ang mga bagay na ito upang ang mga mananampalataya sa Diyos ay maging maingat sa pagpapanatili ng mabuting gawa. Ang mga bagay na ito ay mabuti at kapakipakinabang sa mga tao.

Read full chapter