Add parallel Print Page Options

Nangyari ito upang tayo'y maging tagapagmana ayon sa pag-asa sa walang hanggang buhay, yamang tayo'y itinuring na matuwid sa pamamagitan ng kanyang kagandahang-loob. Mapagkakatiwalaan ang salitang ito kaya't nais kong bigyang-diin mo ito sa iyong pagtuturo sa mga mananampalataya sa Diyos upang italaga nila ang kanilang sarili sa paggawa ng mabuti, na siya namang kapaki-pakinabang sa mga tao. Iwasan mo ang mga walang-kabuluhang pagtatalo, ang mga talaan ng mga salinlahi, at ang mga pagtatalo't alitan tungkol sa Kautusan. Walang halaga at walang kabutihang maidudulot ang mga iyan.

Read full chapter