Add parallel Print Page Options

14 “Ang sinumang pinagtatrabaho mo'y swelduhan mo agad. Huwag mo nang ipagpapabukas pa ang pagbabayad sa kanya. Kung magiging tapat kang lingkod ng Diyos, ikaw ay pagpapalain niya. Ingatan mo ang iyong hakbang at ilagay sa lugar ang bawat kilos mo. 15 Anumang(A) hindi mo gusto'y huwag mong gagawin sa iba.

“Huwag kang maglalasing. Huwag mong pababayaang maging bisyo mo ang pag-inom ng alak.

16 “Bigyan mo ng pagkain ang nagugutom, at ng damit ang mga nangangailangan. Kung masagana ka ay magkawanggawa ka, at huwag kang manghihinayang sa iyong pagbibigay ng limos.

Read full chapter